Positibo ang Department of Transportation na malaki ang magiging kapakinabangan ng “big ticket projects” ng kanilang kagawaran sa pagsupo ng traffic sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, maiibsan ang mabigat na trapiko sa buong Maynila kapag natapos na ang mga proyektong pang-transportasyon dahil magiging mabilis na ang pagbiyahe ng publiko sa kani-kanilang destinasyon.
Kabilang na dito aniya ang North-South Commuter Railway (NSCR), Metro Manila Subway Project (MMSP), Metro Manila Transit Line 7 (MRT-7), at extension and rehabilitation projects sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 na magiging partial operational pagsapit ng 2028.
Kumpiyansa naman si Bautista na maaabot ang naturang deadline sa mga naturang proyekto dahil puspusan na ang konstruksyon sa mga ito.
Kaugnay nito, inaayos na rin ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) na naglalayong i-rationalize na ang existing PUV routes at bumuo na ng panibagong ruta upang mas maging maginhawa para sa pampublikong mananakay. | ulat ni AJ Ignacio