Driver ng SUV na tampok sa viral road rage video sa Mandaluyong City, kinasuhan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasong attempted murder ang isinampa ng mga awtoridad laban sa driver ng SUV na bumangga sa isang motorcycle taxi sa Mandaluyong City na ikinasugat ng driver at pasahero nito.

Iyan ang kinumpirma ni Eastern Police District o EPD Director, P/BGen. Wilson Asueta matapos makumpleto ng Mandaluyong City Police Office ang kanilang pangangalap ng mga kaukulang dokumento.

Bukod pa ito sa isasampang kaso rin ng ride hailing company na ANGKAS dahil sa hindi makatuwirang pagbangga nito sa kanilang tauhan na anila’y nagtatrabaho lamang ng marangal.

Magugunitang alas-8:01 kahapon ng umaga nang makunan sa dashcam ng nag-upload ng video sa social media ang ginawang pagbangga ng kulay orange na Sukzuki XL7 sa motorcycle taxi habang binabagtas ang bahagi ng EDSA Santolan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mandaluyong PNP ang suspek na kinilalang si Pedro Magalit matapos itong masukol ng mga pulis matapos iulat sa kanila ang insidente. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us