Driver’s license ng truck driver na sangkot sa road accident sa Pampanga, sinuspinde na ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatawan na ng 90-day preventive suspension ang driver’s license ng truck driver na sangkot sa malagim na aksidente sa Pampanga na nag-iwan ng apat na batang namatay.

Kasabay nito, sinabi ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II na nag-isyu na rin ng Show Cause Order ang LTO-Central Luzon sa driver ng truck na residente ng Himamaylan City, Negros Occidental.

Base sa ulat, nangyari ang aksidente noong gabi ng Nobyembre 22 sa Porac-Angeles Road, Brgy. Manibaug Pasig, Porac, Pampanga.

Sakay ng kolong-kolong, isang uri ng tricycle ang apat na bata at minamaneho ng kanilang ama na si Edmond Canlapan nang mabangga ng Isuzu Forward truck. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us