Bukod sa food packs at cash aid, nagpadala na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga social worker sa Mindanao para sa psychosocial intervention sa mga naging biktima ng tumamang magnitude 6.8 na lindol kamakailan.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng Critical Incident and Stress Debriefing (CISD) program ng ahensya na layong matugunan ang trauma na naranasan ng mga naapektuhan ng malakas na lindol.
Nitong Miyerkules, November 23, nasa 80 tauhan ng Golden State College sa General Santos City ang sumalang na sa debriefing sessions ng DSWD social workers.
Tinutukan dito ang pagtulong sa mga biktima para masiguro ang maayos na mental at psychological well-being sa kabila ng naranasang trauma.
Kasunod nito, tiniyak ng DSWD na nananatili itong committed na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng disaster-affected communities.
Una nang iniulat ng DSWD na umabot na sa P24.8 milyon ang nailaan nitong tulong sa mga apektado ng magnitude 6.8 na lindol na nakaapekto sa ilang lalawigan sa Mindanao. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD