Election related incidents sa nagdaang halalan, halos dumoble sa naitala noong 2018 BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 77 ang kumpirmadong election related incidents (ERI) ng karahasan ang naitala ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong hapon, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajarado, na ito ay mas mataas ng 92.5 percent sa 40 insidente na iniulat noong 2018 BSKE.

Ayon pa kay Fajardo, anim na post-election related incidents ang naitala ng PNP, kung saan apat ang insidente ng pamamaril, at tig isa ang kaso ng stabbing at hacking.

Nagresulta ito sa pagkamatay ng apat at pagkasugat ng dalawa; kung saan dalawa sa biktima ang bagong-halal na Bgy. Captain, at apat ang konsehal.

Kaugnay nito, sinabi ni Fajardo na nagbigay na ng direktiba si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga field commander, na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga barangay at SK officials, pati na rin ng mga natalong kandidato sa nakaraang eleksyon.

Nanawagan din ang PNP sa mga opisyal na nakakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay, na lumapit sa pulisya para mabigyan sila ng karampatang seguridad. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us