Facemask at alcohol, naging mabenta muli matapos tumaas muli ang kaso ng mga nagkakasakit dahil sa tuyo at malamig na panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik sa paggamit ng facemask ang ilang Pilipino ngayong patuloy sa pagdami ang mga naitatalang kaso ng influenza-like na sakit.

Ito’y para protektahan ang kanilang sarili gayundin ang kanilang pamilya mula sa banta ng sakit.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa San Juan City, sinabi ng mga nagtitinda ng facemask at alcohol na gumaganda na muli ang kanilang benta sa panahong ito.

Kasalukuyang mabibili ang facemask sa halagang P65 kada 50 piraso habang nasa P25 naman ang kada 10 pirasong facemask.

Habang ang alcohol, mabibili sa P32 bawat 150 ml at P82 naman ang bawat 500 ml na bote.

Batay sa datos ng Department of Health nitong Nobyembre 11, nakapagtala na sila ng mahigit 182,000 kaso ng influenza like illness sa bansa na mas mataas sa mahigit 121,000 kaso na kanilang naitala noong isang taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us