Naghayag ngayon ng inisyal na reaction ang pamunuan ng DA-Regional Field Office 02 sa pagkakatalaga bilang kalihim ng DA ni Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.
Sinabi ni Director Rose Mary Aquino ng DA-Regional Field Office 02 na bagay sa posisyon si Secretary Tiu Laurel dahil sa malawak at marami nitong karanasan bilang sanay sa corporate world, na dating sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na magandang maidala sa gobyerno para sa mas kapaki-pakinabang na resulta.
Sinabi ni Director Aquino na ngayong hapon nila siya makakaharap matapos itong magpatawag ng meeting sa matataas na opisyales ng kagawaran kasama ang mga pinuno ng mga Regional offices ng buong DA.
Una rito, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kumpyansa siya sa magiging liderato ni Sec Tiu Laurel, at kaya nitong harapin ang mag isyu sa sektor ng agrikultura. | ulat ni Vivian De Guzman | RP1 Tuguegarao