Gobyerno, patuloy na tatalima sa atas ng Pangulo na magpatupad ng mga hakbang upang mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin – Sec. Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na magpapatupad ang gobyerno ng mga hakbang upang tugunan ang “non-competitive market behavior” upang matiyak na bababa ang food inflation.

Ayon sa Department of Finance (DOF), kasabay ng iba’t ibang hakbang upang gawing affordable ang mga bilihin, susuportahan ang mga magsasaka at pangangalagaan ang kanilang vulnerability.

Dodoblehin din ang efforts ng gobyerno para sa pag-iimbestiga, upang masampahan ng kaso ang mga abusadong negosyante gayundin ang price monitoring sa mga imported rice at logistics chains.

Ito ay upang matiyak na ang mababang “tariff rate” sa inaangkat na bigas ay hindi para sa kapakinabangan ng importers, mangangalakal at middlemen.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, patuloy na palalakasin ng gobyerno ang utilization ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), pagrepaso ng wage and fare hike petitions; at mahigpit na monitoring sa suspension ng pass-through fees para sa delivery trucks sa ilalim ng Executive Order No. 41.

Ayon pa sa kalihim, gaya ng hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang purchasing power ng mga mahihirap na pamilya, at patuloy na paghatid ng essential services gaya ng  public transportation at  agricultural activities. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us