Inanunsyo ngayon ng transport group na PISTON ang plano nitong magkasa ng tatlong araw na nationwide transport strike simula sa Lunes, November 20
Ito ay bilang pagtutol sa nakaambang deadline sa aplikasyon ng franchise consolidation sa ilalim ng PUV modernization program sa December 31.
Giit ng grupo, sa naturang deadline ay napipinto ang tuloy-tuloy na phaseout sa mga traditional PUJs.
Ayon sa PISTON, malaki ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng kanilang mga tsuper at operators.
Una nang nilinaw ng LTFRB na ang ibinigay na palugit ng pamahalaan ay hindi para sa pagpapalit ng pampublikong sasakyan kundi para sa pagsasama-sama ng mga tsuper o operator sa iisang kooperatiba o korporasyon.
Ito ay para lamang sa Industry Consolidation na kabilang sa sampung components ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). | ulat ni Merry Ann Bastasa