Aabot sa halos 2,000 mga kasapi ng Police Regional Office 9 (PRO-9) at Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies at force multipliers ang ikinalat sa Zamboanga Peninsula para sa Undas 2023.
Ayon kay PRO-9 Regional Director PBGen. Bowenn Joey Masauding, nakahanda ang hanay ng kapulisan sa rehiyon para sa paggunita ng Undas ngayong taon sa tulong na rin ng ibang mga ahensya ng pamahalaan at iba’t ibang advocacy groups.
Sila ay ideneploy sa 228 mga sementeryo, kolumbaryo, at memorial parks sa rehiyon.
Maliban sa pagtalaga sa mga pulis sa mga pampublikong terminal ngayong Undas ay magpapatuloy din ang pagsasagawa nila ng law enforcement operations upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa buong pagdaraos ng All Saint’s Day at All Souls Day.
Naglagay din ng kabuuang 231 Police Assistance Desk ang PRO-9 sa iba’t ibang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa rehiyon upang matutukan ang seguridad ng publiko.| ulat ni Shirly Espino| RP1 Zamboanga