Higit ₱53-M ayuda, naihatid na ng DSWD sa mga apektado ng Davao Occidental quake

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok pa rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ayuda sa lalawigang naapektuhan ng tumamang Magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental kamakailan.

Ayon sa DSWD, umakyat pa sa higit ₱53-million ang naipaabot nitong tulong sa 120 apektadong barangays sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.

Kabilang rito ang family food packs at cash aid na naipamahagi na sa Sarangani, Glan, at General Santos City.

Nito lamang linggo, muling bumisita si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Sarangani para pangunahan ang payout ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa higit 1,000 apektadong residente.

Nagsagawa rin ito ng inspeksyon sa ilang napinsalang imprastraktura sa lalawigan maging sa command center at storage facility ng DSWD SOCCSKSARGEN.

Ayon kay Secretary Gatchalian, bukod sa AICS, mamamahagi rin ang DSWD ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga apektado simula sa Enero para makatulong sa recovery ng mga residente.

As of November 26 ay umabot na sa higit 16,567 pamilya o katumbas ng halos 80,000 na indibidwal ang naitalang apektado ng lindol.

Umakyat na rin sa 673 ang bilang ng kabahayan na labis na napinsala habang 4,714 naman ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us