Malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers kasunod ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng shear line.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon pang 18,343 na pamilya o katumbas ng higit 76,000 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.
Nasa 7,000 pamilya rin ang pansamantalang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Kaugnay nito, nakapagtala rin ang DSWD ng 58 kabahayan na labis na nasira ng shear line habang 251 rin ang partially damaged.
Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng higit ₱93-milyong halaga ng assistance sa mga apektadong LGU.
Una na ring tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na sapat ang pondo at stockpiles nito ng relief goods para sa mga apektado ng shear line. | ulat ni Merry Ann Bastasa