Pumalo sa 84,834 na mga taga-Biñan, Laguna ang nakabenepisyo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Linggo, November 5, nang dalhin ang BPSF sa Biñan kung saan inilunsad din ang Cash Assistance and Rice Distribution Program o CARD.
Higit sa 60 government services ang dala ng BPSF gaya ng educational at livelihood programs, renewal at application ng driver’s license, NBI, passport, Professional Regulation Commission, UMID, at PhilHealth application, at National ID.
Nasa 3,000 benepisyaryo naman ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng CARD program na pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez.
Dahil naman sa birthday month ng House Speaker, ang ₱2,000 na halaga ng ayuda sa ilalim ng CARD ay dinoble at ginawang ₱4,000.
Maliban ito sa 5,000 mga mag-aaral din ang nakatanggap ng tig-₱2,000 na educational assistance. | ulat ni Kathleen Jean Forbes