Higit P1-M halaga ng shabu, nakumpiska sa isang babae sa Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng PNP ang isang high-value drug suspect sa buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO) 4A Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, kinilala ang babaeng suspek na si alyas Jerwin, 35 taong gulang.

Kabilang ang suspek sa drug watchlist ng Cavite Police Provincial Office.

Nasamsam ng pulisya ang nasa 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Pinuri ni Brigadier General Lucas ang mga pulis-Calabarzon sa matagumpay na operasyon at pinasalamatan ang suporta ng publiko sa pagsugpo ng iligal na droga sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

📷: PRO 4A

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us