House Secretary General, may paalala sa mga kongresista na aabusuhin ang paggamit sa protocol plates

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalalahanan ni House Secretary General Reginald Velasco ang mga kongresista na maliban sa multa ay maaari silang maharap sa disciplinary action oras na abusuhin ang paggamit sa kanilang protocol plates.

Matatandaan na nagkasundo ang Kamara at ang MMDA na hulihin ang mga nagmamaneho ng sasakyan na mayroong paso o expired o pekeng protocol plate number 8.

Ani Velasco hindi maaaring gamitin ang protocol plate para takasan ang traffic violation.

Oras din aniya na makapaglabas na ng bagong protocol plate ang House of Representatives ay magkakaroon ng kasulatan at palalagdain ang mga kongresista kung saan nakasaad na ang protocol plate ay para lamang sa official use.

Sabi pa ni Velasco, kung mapatunayang may paglabag, ay maaari aniya silang ireklamo sa House Committee on Ethics kung saan posibleng maharap sa disciplinary action.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us