Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang naitalang pagbaba sa inflation rate ng bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 6.1 headline inflation noong Setyembre ay bumaba sa 4.9% ang inflation rate nitong Oktubre.
“In a heartening update, the Philippine Statistics Authority has reported a welcome decline in inflation to 4.9 percent in October, a drop from the 6.1 percent recorded in the preceding month. Notably, this decrease has been driven by a slower rise in the prices of staple foods, including vegetables,” saad ni Romualdez.
Ayon sa House Speaker, ang pagbaba na ito sa inflation ay malaking tulong para mabawasan ang gastusin ng mga Pilipino.
Maliban dito ay mapapalakas din ang kanilang purchasing power dahil sa mas accessible at mura na ang mga bilihin.
Bilang tugon naman ng Kamara ay patuloy aniya nilang itutulak ang mga polisiya, para mapatatag pa ang ekonomiya ng bansa, maparami ang mga namumuhunan, at palakasin ang agricultural production at supply chain.
Pagsiguro naman ni Romauldez, na nsa kabila ng pagbaba ng inflation ay mananatiling nakabantay ang Kamara sa mga bagay na makakaapekto sa presyo ng bilihin, lalo at mayroong mga kaguluhan sa labas ng bansa at banta ng supply chain disruptions.
“We are resolute in our vigilance and proactive stance. Our commitment to fortifying the economy against such adversities and to protecting our progress in combating inflation endures,” sabi pa nito. | ulat ni Kathleen Forbes