Ika-anim na batch ng OFW na umuwi sa Pilipinas mula sa Israel, natanggap na ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natanggap na ika-anim na batch ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na umuwi sa Pilipinas mula Israel ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Nasa 42 na mga OFW at isang batang babae ang kabilang sa umuwi sa bansa na naipit sa gulo sa Israel ngayong araw.

Kabilang sa mga natanggap ng OFW ang tig-P50,000 na tulong pinansyal mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administation (OWWA), bukod pa ang ibang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at TESDA.

Kabilang si Umayam Guillermo, Jr, 34 taong gulang, isang hotel worker sa Isarel sa mga umuwing Pilipino ngayong araw.

Aniya, sobra siyang natakot at nagaalala para sa kaniyang buhay at sa kaniyang mga magulang at anak kaya nagdesisyon na umuwi sa Pilipinas.

Si Guillermo ay taga-Bat yam sa Tel Aviv, Israel at mahigit isang taon ng nagtatrabaho roon at aniya pangatlong beses na niyang naranasan ang gulo sa Israel pero ngayon ang pinakamatindi.

Sinabi rin nitong wala na siyang planong bumalik pa sa naturang bansa dahil na rin sa trauma na kaniyang naranasan.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us