Ika-anim na batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Eksakto alas-2:49 ng hapon lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Etihad Airways ang Flight EY 425.

Sakay nito ang 42 na mga overseas Filipino worker at isang batang babae na naipit sa gulo sa Israel.

Sinalubong sila ng ilang senior officials ng pamahalaan.

Dumiretso ang mga OFW sa VIP Lounge ng NAIA Terminal 3 para sa maiksing programa at dito na rin ibinigay ang mga tulong mula sa Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, TESDA, at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Sa kabuuan, nasa 184 na mga OFW mula sa Israel ang umuwi sa Pilipinas. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us