Ikalawang araw ng transport strike, ‘di na gaanong ramdam sa mga kalsada sa Metro Manila — LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik-normal na ang sitwasyon sa mga kalsada sa Metro Manila kahit nagpatuloy ang strike ng PISTON ngayong araw.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Celine Pialago, kung ikukumpara kahapon ay mas marami nang pampasaherong jeepney ang pumasada ngayon kahit sa mga rutang sakop ng PISTON.

Dahil dito, wala na aniya gaanong mga pasaherong na-stranded o natagalang makasakay.

Dagdag pa nito, nangako si PISTON Pres. Mody Floranda sa LTFRB na magkakaroon lang ng maikling programa sa umaga at titigil rin ng tanghali para magbigay daan sa gagawing dayalogo mamayang alas-2 ng hapon.

Kaugnay nito, iniulat naman ng LTFRB na 66 lang mula sa higit 600 ipinakalat na rescue vehicles ang nagamit sa unang araw ng strike kahapon para umalalay sa mga naapektuhang pasahero.

Umaasa naman ang LTFRB na magbubunga na ng maganda ang ikalawang dayalogo mamaya at humantong ito sa tuluyang pagpapatigil ng transport strike ng grupong PISTON. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us