Naglibot sa Himlayang Pilipino sa QC ang mga madre at youth volunteers ng Caritas Sisters of Jesus para alayan ng dasal ang ilang ‘forgotten tombs’ o mga puntod na hindi na nabibisita.
Karamihan sa mga puntod, matagal nang hindi nalilinis kaya hindi na rin halos mabasa ang pangalan ng nakalibing.
Ito ang matyagang iniisa-isa nina Sister Lucia, isa sa mga madreng nakausap ng RP1 team na taun-taon daw bumibisita rito tuwing ‘All Soul’s Day’.
Ayon sa kanya, paraan nila ito para maipanalangin ang kapayapaan ng mga kaluluwa ng yumao kahit na walang umaalala dito.
Bukod sa dasal, inaalalayan din ng kandila o bulaklak ng Caritas Sisters of Jesus ang kanilang mga ipinagdarasal na puntod.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang dating ng nga bisita sa loob ng Himlayang Pilipino na as of 10 am ay umabot na sa 3,000. | ulat ni Merry Ann Bastasa