Goodnews para sa mga motorista, dahil magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas.
Alas-6 ng umaga bukas, ipapatupd ng mga kumpanya ng Pilipinas Shell, Sea Oil, at Petro Gazz ang tapyas na P0.40 sa kada litro ng gasoline; P1.10 sa kada litro ng diesel, at P1.5 sa kada litro ng kerosene.
Samantala, ang kumpanyang Clean Fuel at Caltex ay ipapatupad ang kaparehong presyo mamayang alas-12:01 ng hating gabi.
Ang oil price increase ay bunsod pa din ng pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio