Naabutan ng mahinang ulan ang ilang magkakamag-anak na bumisita ngayong umaga sa Novaliches Cemetery.
Karamihan, may bitbit namang mga payong habang ang ilan ay nakikisilong muna.
Sa ngayon, paisa-isa pa lang ang dating ng mga bumibisita sa Novaliches Cemetery.
Sa tala nitong bisperas ng Undas, nasa 600 pa lang ang bumisita sa naturang sementeryo.
Inaasahan namang magsisimulanh dumagsa ang mga bisita dito simula alas-9 ng umaga lalo na kung magiging maaliwalas ang panahon.
Bantay sarado naman ng mga tauhan ng PNP ang entrada ng sementeryo. Sa ngayon, wala pa naman itong nakukumpiskang mga tinangkang ipuslit na ipinagbabawal.
Nakatalaga rin ang mga tauhan ng Quezon City Department of Public Order and Safety at ng QCDRRMO para umalalay sa mga nagtutungo sa sementeryo.
Samantala, nagkalat din sa loob ng Novaliches Cemetery ang mga nagpaparenta ng hagdan para sa mga may yumaong kaanak na nasa itaas ang pwesto ng lapida. | ulat ni Merry Ann Bastasa