Ilang mga opisyal ng PNP, isinailalim sa balasahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpatupad ng balasahan ang hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa inilabas na kautusan ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., itinalaga bilang pinuno ng Special Action Force (SAF) si Police Major General Bernard Banac.

Papalit kay Banac sa binakanteng posisyon nito sa Directorate for Information and Communications Technology Management o DICTM si Police Brigadier General Neil Alinsangan mula sa Directorate for Plans.

Papalitan ni Banac si P/MGen. Rudolph Dimas na siyang inilipat naman a Directorate for Plans na pinanggalingan ni Alinsangan.

Samantala, mula sa Police Regional Office 1, lilipat si P/BGen. John Cayaban Chua sa Area Police Command – Visayas.

Habang papalit kay Chua si P/BGen. Lou Evangelista bilang Director ng Police Regional Office 1.

Papalit naman kay Evangelista bilang pinuno ng Polie Community Relations Group o PCADG si P/Col. Restituto Arcangel, na nagmula naman sa Directorate for Investigation and Detective Management o DIDM. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us