Ilang Unibersidad sa Maynila, nagkansela na ng face-to-face classes matapos mag-anunsyo ng tigil-pasada ang grupong Manibela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang magaganap na face-to-face classes sa ilang Unibersidad sa Maynila matapos mag-anunsyo ng tatlong araw na tigil-pasada ang grupong Manibela.

Sa abiso ng Adamson University, kanselado ang lahat ng face to face classes mula elementary hanggang kolehiyo.

Mula pa noong Lunes, nagpatupad na ng online class ang Adamson dahil sa welga ng grupong Piston.

Dahil nag-anunsyo ng strike ang Manibela, mananatiling online class ang Adamson University hanggang Biyernes.

Pero bukas naman daw ang kanilang paaralan para sa mga nais gumamit ng kanilang pasilidad para sa mga nais mag-online class.

Tuloy din ang kanilang administration operations para sa mga may transaction. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us