Intelligence operatives, nagko-coordinate laban sa umano’y “Chinese sleeper cells” sa bansa — PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. na nakikikipag-usap ang intelligence operatives ng PNP sa kanilang mga counterpart sa iba’t ibang law enforcement agencies para protektahan ang pambansang interes.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP chief sa ambush interview kahapon matapos magsagawa ng inspeksyon sa Manila North Cemetery kaugnay ng babala ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael Alunan tungkol sa mga “Chinese sleeper cell” na nagtatago sa tabi ng mga government installations at public utilities.

Sa Facebook post ni Alunan noong October 24, binanggit ng dating kalihim ang pagkaka-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) noong October 16 ng anim na Chinese nationals at dalawang Pilipinong Security personnel sa isang raid sa kanilang safehouse sa exclusive subdivision sa Pasig, na malapit lang sa Camp Aguinaldo at Camp Crame.

Nakuha sa mga ito ang mga matataas na kalibre ng baril na “made in China,” at mga badge na may nakasulat na “blasting team,” “recon team,” “Assault team,” at iba pa.

Ayon kay Alunan, ito ay indikasyon ng “malevolent intentions” ng China sa pamamagitan ng pag-pre-position ng mga “clandestine forces” na pakikilusin sa hinaharap.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us