Tinitingnan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang Japan International Cooperation Agency (JICA) bilang “logical fallback funding source” para sa pagtatayo ng Mindanao Railways Project (MRP).
Ito ay kasunod ng pag-atras ng Pilipinas mula sa negosasyon na pautang ng China.
Ayon kay Pimentel, ang Japan ang pinakamahusay na paraan kung isasaalang-alang na ang JICA ang tumutulong sa Department of Transportation and Railways sa pagmomodelo ng 30-year railway masterplan para sa Metro Manila, Central Luzon, at sa Calabarzon.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag kasabay ng pagbisita ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Pilipinas ngayong araw na tatagal hanggang bukas, Nobyembre 4.
Sinabi ng mambabatas, ipinagkaloob na ng JICA ang mababang interest para sa Metro Manila Subway at iba pang mga proyekto ng riles sa Luzon.
Aniya, maaari din hilingin sa kanila na mag-double down at bigyan tayo ng ‘concessional loan’ para sa Mindanao Railway Project.
Binigyang halaga din ng Mindano solon na ang pagkakaroong MRP sa rehiyon ay magbubunga ng libu-libong trabaho at oportunidad sa kabuhayan na pakikinabang ng mga pamilyang mababa ang kita sa loob ng ilang taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes