Job fair, isasagawa sa Zamboanga City kasabay ng ika-90 taong anibersaryo ng DOLE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ng job fair ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa darating na December 4, 2023 sa East Wing Activity Center ng KCC Mall de Zamboanga.

Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-90 taong anibersaryo ng DOLE.

Ang nasabing job fair ay magsisimula ng alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon kung saan nasa higit apat na libong mga bakanteng trabaho ang iaalok sa mga jobseeker mula sa 31 employers.

Bukas ito sa lahat ng mga residenteng naghahanap ng trabaho mapa-fresh graduates man o nais lumipat ng karera. Inaanyayahan ang mga aplikante na magdala ng maraming kopya ng kanilang mga dokumento sa pag-apply.

Maaaring magparehistro online ang mga nagnanais makiisa sa job fair sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page ng DOLE Region 9 at upang makita rin ang mga bakanteng trabahong iaalok sa araw ng naturang job fair.| ulat ni Bless Eboyan| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us