Walang untoward incident na iniulat sa unang dalawang araw ng tatlong araw na Joint Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defense Force (ADF).
Ang aktibidad na nagsimula noong Sabado ay kasunod ng unang 3-araw na Joint Maritime Activity ng AFP at U.S. Indo-Pacific Commamd na nagtapos noong Huwebes.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., ang magkasunod na joint patrol sa West Philippine Sea ay pag-ehersisyo ng karapatan ng Pilipinas na magsanay kasama ang mga kaalyado, at pagtataguyod ng rules-based international order.
Ayon kay General Brawner, nagkaroon lang ng “shadowing” ng mga barko ng China ang Joint maritime patrol noong Sabado.
Kinumpirma naman ni AFP Spokesperson Colonel Xerxes Trinidad na inikutan ng dalawang Chinese Fighter Jet ang A-29B Super Tucano Aircraft ng Philippine Air Force na nagsasagawa ng Aerial Patrol sa bisinidad ng Hubo Reef sa WPS, pero hindi naabala ang misyon nito. | ulat ni Leo Sarne