Aaksyunan agad ng Kamara ang pagratipika sa kautusan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbibigay ng amnestiya sa dating mga miyembro ng iba’t ibang rebeldeng grupo.
Sa ambush interview kay Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na suportado ng Kamara ang hakbang ng Pangulo na bahagi ng peace process ng bansa.
Katunayan sa naging mga foreign trip aniya ni PBBM kinikilala ng mga bansa ang matagumpay na usaping pangkapayapaan ng Pilipinas.
“Syempre part of the peace process din yan tinutukan din ng ating presidente ang ating mamayang Pilipino para magkaroon ng kapayapaan dito sa ating bayan at sa totoo lang po sa pag-iikot natin sa lahat ng mga foreign travels sinasabi nila hindi lang…yung Pilipinas ay number one in the world successful dito sa peace process kaya yun po ang isang magandang mga nadinig natin na lahat ng mga ginagawa ng ating gobyerno.
Kailangan ng concurrence ng Kongreso sa naturang mga kautusan upang pormal na maipatupad ang pagbibigay amnesitya.
Ani Romualdez, makakaasa ang ehekutibo na agad ito diringgin ng Kamara lalo ngayong nalalapit ang kapaskuhan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes