Sa inisyatiba na pinangunahan ng Department of Tourism (DOT) ay matagumpay na naipakilala ng Indonesian Travel and Trade Familiarization Tour ang Mindanao at ang Pilipinas, sa pangkalahatan, bilang matatag at nakakabighani na travel destination.
Ang tour kamakailan ay nagha- highlight sa kaligtasan ng Mindanao, partikular ng Davao.
Ang makapagpigil-hiningang kagandahan ng mga landscape na may mayaman at makulay na kultura at ang mainit na lokal na komunidad ay naranasan ng mga tour participants, pati na ang charm at ang hospitality ng Mindanao na nakatagong gem na dapat tuklasin.
Ang Department of Tourism (DOT) ay may pangako na ipakita ang Mindanao bilang ligtas at kaakit-akit na lokasyon para sa mga travelers. Ito ay bilang malawak na bahagi ng pagsisikap para i-promote ang potensyal ng turismo ng rehiyon.
Sa pamamagitan ng positive impressions at pag-ambag sa kagandahan at kultura ng Mindanao, layun ng DOT na makapag-ambag para sa pangkalahatang pag-unlad ng Piipinas sa pamamagitan ng paghimok sa mga bIsita na tuklasin
ang makinang at matatag na sulok ng mundo.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao