Kasong murder at theft laban sa 3 suspek sa pagpatay kay Juan Jumalon, inihain sa Prosecutors Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain na ng PNP ang kasong murder at theft laban sa isang hindi pinangalanang suspek at dalawang “John Doe” na sangkot sa pamamaril at pagpatay sa radio anchor sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon na mas kilala bilang Johnny Walker.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Col. Jean Fajardo, nasa Provincial Prosecutors Office ng Misamis Occidental na ang kaso para sa ebalwasyon ng Assisting Prosecutor sa ilalim ng case build-up mechanism ng Department of Justice alinsunod sa DOJ Department Circular No. 20.

Paliwanag ni Col. Fajardo, hindi muna maaaring ibunyag ang pagkakakilanlan ng suspek habang nagpapatuloy ang case build sa nangyaring pagpaslang kay Jumalon.

Matatandaang naglabas kamakalawa ang PNP ng composite sketch ng isa sa mga suspek na nagbantay sa gate ng bahay ng biktima, habang isinagawa ng pangalawang suspek ang pamamaril kay Jumalon habang naka-live broadcast. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us