Inaasahang maitu-turn over na sa mga benepisyaryo sa Disyembre ang mga housing unit na kauna-unahan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan.
Ito ay matapos na inspeksyunin nina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Bacolod City Mayor Albee Benitez, ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Yuhum Residences sa Barangay Vista Alegre ngayong araw.
Target ng DHSUD at Bacolod City Local Government na mai-turn over ang 288 housing units sa mga benepisyaryo sa susunod na buwan.
Ito ani Acuzar ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na pabilisin ang pagbibigay ng mga pabahay sa mga benepisyaryo, sa ilalim ng Pambansang Pabahay program.
Sa ngayon, nasa final stages na ng konstruksyon ang unang building ng 4PH Project sa Bacolod City.
Nagpasalamat naman si Acuzar sa Bacolod City LGU bilang kauna-unahang lokal na pamahalaan na makakapag-deliver sa Pambansang Pabahay program. |ulat ni Diane Lear