Labor Attache sa Israel, binisita ang OFW na si Gelienor “Jimmy” Pacheco sa ospital matapos palayain ng Hamas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumalaw si Migrant Workers Office (DMW) Tel Aviv (MWO-Tel Aviv) Labor Attaché Rodolfo Gapasan at ang team nito sa overseas Filipino worker OFW na si Gelienor “Jimmy” Pacheco sa Shamir Medical Center.

Ito ay upang tingnan ang kalagayan ni Pacheco matapos ang mahigit isang buwan na dinukot at pinalaya ng militanteng grupong Hamas.

Kasalukuyang binibigyan ng medical attention at psychological evaluation si Pacheco sa nasabing ospital.

Nauna rito ay bumisita na rin si Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr. sa naturang OFW.

Nitong Sabado, kasama si Pacheco at 23 na iba pang indibidwal sa unang batch na mga pinalaya ng Hamas.

Matatandaang kabilang si Pacheco sa mahigit 200 indibidwal na dinukot ng Hamas noong umatake ito sa Southern Israel noong October 7. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us