Las Piñas city LGU, nakiisa sa ‘Filipino Elderly Week’ bilang pagbibigay kilala sa mga senior citizen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas para sa ‘Elderly Filipino Week’ upang patuloy na pahalagahan at pasalamatan ang mga senior citizen sa lungsod.

Ang naturang selebrasyon ay hindi lamang pagbibigay-pugay sa legasiya ng mga Pilipinong senior citizen kundi pagpapalakas ng diwa ng komunidad sa lungsod ng Las Piñas.

Ayon kay Las Piñas City Mayor Imelda T. Aguilar na patuloy na sumusuporta ang lungsod sa mga programa at serbisyo sa mga senior citizen para sa kanilang mahahalagang kontribusyon na mananatiling bahagi ng kultura sa lungsod at ng komunidad.

Sa huli nangako naman ang alkalde na magkakaloob pa ng mas magandang programa ang lungsod para sa kanila upang matamasa ang kaginhawaan na dapat nilang natatanggap. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us