Kamakailan lamang ng muling ginunita at ipinagdiwang ang kaarawan ng namayapang Senador Raul Roco nitong Oktubre 26, 2023 ng mga kababaihan at mga lokal na opisyal ng Naga City at Bicol.
Matatandaan na si Roco ay kinilala rin bilang Honorable Woman dahil sa kaniyang mga nilikhang batas para sa proteksyon ng mga kababaihan sa buong bansa.
Itinayo naman sa Naga City ang napakagandang Roco Library para sa ala-ala ng butihing Senador ng Bicol at binuksan ito para sa lahat ng mga nag-aaral tampok ang lahat ng mga libro at makabagong mga research facility para sa Publiko.| ulat ni Roniel Peñaflor| RP1 Naga