Libingan ng mga Bayani, sasailalim sa modernization program ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok ngayon ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa redevelopment ng Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Ayon kay Lieutenant Colonel Elenita Altamirano, ang Commanding Officer ng Grave Services Unit ng Philippine Army, may 5-year modernization plan ang PVAO para sa sementeryo.

Kailangan aniyang mabatid ng lahat na ang LNMB, bukod sa pagiging isang military facility ay nagsisilbi rin bilang national shrine ng bansa.

Ilan lamang sa mga ipatutupad na pagpapaganda dito ay ang pagdaragdag ng mga existing facility sa sementeryo upang maging world class ito, habang ang iba pang ipatutupad na pagbabago ay subject pa sa approval ng mga otoridad.

Sa kasalukuyan, nasa 15,000 ang crowd estimate sa LNMB.

Mababa aniya ang bilang na ito kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Ang nakikitang dahilan ng opisyal, ang isinagawang Barangay at Sanguniang kabataan Election noong Lunes, at ang long weekend ng ating mga kababayan, kung saan nagsi-uwian ang publiko sa kani-kanilang probinsya.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us