LTFRB at grupong PISTON, nagkaroon ng dayalogo kaninang hapon sa Quezon City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Atty. Teofilo Guadiz III sa Araneta Avenue corner E.Rodriguez sa Quezon City upang makipag-dayalogo sa kay PISTON President Ka Mody Floranda.

Layon nitong pag-usapan ang hinanaing ng naturang grupo at ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.

Sa paghaharap ng dalawa, inihayag ni Floranda ang tatlong demands ng grupo.

Una rito ang puwersahan umano na pagpasok sa jeepney consolidation ng mga driver at operator kahit wala itong kakayahan. Pangalawang ang kagyat na pagbasura sa Omnibus Franchising Guidelines o itong pagsusulong ng PUV Modernization Program ng pamahalaan, at ang muling pagbabalik sa limang taong prangkisa ng public transport.

Ani Floranda ito ang mga demand na laging nagpapag-usapan sa pagitan ng LTFRB at umaasa siyang magkakaroon ng kongretong tugon ang ahensya rito.

Sa panig naman ni Guadiz, sinabi nitong pinag-aaralan na ng ahensya ang mga hiling ng naturang grupo.

Sinabi rin ni Guadiz na hindi naman naparalisa ang tranportasyon sa unang araw na ikinasa ang tigil-pasada ng grupong PISTON.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us