LTFRB at PISTON, muling magdadayologo mamayang hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling magpupulong sina LTFRB Chair Teofilo Guadiz III at PISTON President Mody Floranda para plantsahin at pagkasunduan ang mga hirit ng transport group sa PUV modernization program.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Celine Pialago, mayroong apat na hiniling ang PISTON sa dayalogo nito kay LTFRB Chair Guadiz kahapon.

Tatlo rito ang kaya aniyang pagbigyan ng LTFRB kabilang ang pag-waive sa penalties, pagpapalawig sa validity ng kanilang prangkisa hanggang 5 taon at ang pagrebisang muli at pag-alis ng ilang probisyon sa Omnibus Franchising Guidelines [OFG].

Non-negotiable naman aniya ayon sa LTFRB ang isang hirit ng PISTON na tuluyan nang ibasura ang consolidation process bagamat maaari naman aniya itong gawing mas simple para mas mapadali ang proseso sa mga PUV operator at driver.

Ayon kay Spox Pialago, sa pulong mamaya ay iisa-isahin ng LTFRB at PISTON ang guidelines at proseso hanggang sa magkaroon ng kompromiso ang dalawang panig.

Kasunod nito, sinabi ni Pialago na muling ipapakiusap ni Chairperson Guadiz sa grupong PISTON na tuluyan nang itigil ang kanilang transport strike. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us