LTFRB, magpupulong hinggil sa nakaambang na transport strike sa Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Celine Pialago, bagong tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaroon ng pulong ngayong araw ang mga opisyal ng ahensya upang talakayin ang mga hakbang sa nakaambang na transport strike ng grupong PISTON.

Ayon kay Pialago, pangungunahan ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III ang pulong kasama ang mga miyembro ng board kung saan pangunahing ikukonsidera ang posibleng epekto ng tatlong araw ng transport strike sa riding public.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng LTFRB na makikipag-ugnayan ito sa iba pang ahensya ng pamahalaan at mga LGU para makapaghatid ng libreng sakay sa mga maaapektuhang commuter.

Una nang inanunsyo ng transport group na PISTON ang plano nitong tatlong araw na nationwide transport strike simula sa Lunes, Nov. 20 hanggang Huwebes, Nov. 23 bilang pagtutol sa nakaambang na deadline sa aplikasyon ng franchise consolidation sa ilalim ng PUV modernization program sa Dec. 31. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us