Binalaan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang mga motorista na masuspinde ang driver’s license kapag tinakbuhan ang traffic enforcers na naninita sa mga hindi owtorisadong dumaan sa EDSA Bus Lane.
Naglabas ng warning si Mendoza kasunod ng unang araw ng implementasyon ng pinataas na penalty laban sa mga traffic violator.
Kinumpirma ni Mendoza, na marami na silang natatanggap na reports tungkol sa misbehaviors ng mga motorista lalo na ang motorcycle riders na tinatakasan ang MMDA traffic enforcers kapag sinisita.
Hindi aniya katanggap-tanggap ang ganitong gawain, at maliwanag na pambabastos sa batas at sa mga uniformed traffic enforcer.
Nakikipag-ugnayan na si Mendoza kay MMDA Chairperson Armando Artes para palawakin ang saklaw ng aksyon ng LTO laban sa mga motorista na pasaway sa EDSA bus lane. | ulat ni Rey Ferrer