LTO, pinawalang bisa na ng driver’s license ng babaeng nakaaksidente sa Laguna noong All Saints’ Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinawalang bisa na ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng babaeng motorista na nasangkot sa road accident sa Calamba, Laguna noong Nobyembre 1.

Batay sa ulat ng LTO, apat katao ang nasawi, dalawa dito ay bata at pagkasugat ng anim na iba pa.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, nakainom ng alak ang babaeng driver ng Ford Ranger Raptor ng mangyari ang aksidente.

Kasama sa desisyon ng LTO ang hindi na siya papayagang makapag-renew ng kanyang driver’s license hanggang Nobyembre 2027. Pinatawan din siya ng multa Php 2,000.

Una nang pinatawan ng 90-day preventive suspension ang driver’s license ng babaeng motorista.

Bukod dito, sinampahan din siya ng pulisya ng kasong kriminal kaugnay ng insidente.| ulat ni Rey Ferrer

RP1News

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us