Mabigat na trapiko ang bumungad sa mga motorista sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway ngayong umaga.
Sa monitoring ng pamunuan ng NLEX-SCTEX, as of 6am, nararanasan ngayon sa bahagi ng Meycauayan Interchange Southbound at pati na sa Valenzuela patungong NLEX Harbor Link Interchange Southbound ang mabigat na volume ng mga sasakyan.
Dahil dito, nasa 20-30kph lamang ang running speed ng mga sasakyan sa Meycauayan Interchange Southbound habang 30-40kph naman sa Valenzuela patungong NLEX Harbor Link Interchange Southbound.
Sa kabila nito, light traffic naman ang umiiral sa Mindanao, Balintawak, at Bocaue Toll Plaza.
Una nang nag-abiso ang NLEX na asahan na ang pagbigat ng trapiko sa expressway hanggang Lunes ng umaga dahil sa mga mag-uuwian galing probinsya.
May mga nakatalaga na ring patrol team para tumulong sa pagmamando ng trapiko sa NLEX. | ulat ni Merry Ann Bastasa