Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilya sa ilang lugar sa Luzon at Visayas na apektado ng low pressure area at shearline na nagdulot ng matinding pagbaha.
Ayon sa PRC, mahigit 3,000 hot meals na ang napamahagi nito sa Northern Samar. Nagbigay din ng psychosocial support sa 100 adults at mga bata sa Lucena, Quezon at Negros Occidental.
Nagbigay din ng atensyong medical sa 200 indibidwal na kasalukuyang tumutloy sa mga evacuation center sa mga nabanggit na lalawigan.
Ayon kay PRC chairman at CEO Richard Gordon, patuloy na pagbubutihan ng organisasyon ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan ngayong papalapit ang Pasko.
Tiniyak ng PRC na laging nakahanda at naka-alerto ang kanilang Emergency Medical Personnel at Emergency Response Unit sa iba’t ibang PRC chapter upang sumaklolo sa mga maaapektuhan ng kalamidad.| ulat ni Diane Lear