Aabot sa 3,581 na miymebro ng Communist terrorist Group at 502 kasapi ng Local terrorist groups ang sumuko sa pamahalaan hanggang sa 3rd Quarter ng taong kasalukuyan.
Ito ang iniulat ng Task Force Balik-loob (TFBL) sa regular na 3rd Quarter cluster meeting na pinangunahan ni TFBL Chairperson Undersecretary Angelito M. De Leon, sa Philippine Army Officer’s Clubhouse (PAOC), Fort Bonifacio, Taguig City.
Ang mga nagbalik loob ay nakatanggap ng mga benepisyo mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), sa pamamagitan ng immediate, livelihood, at reintegration assistance, at firearms remuneration.
Iniulat naman sa pagpupulong ng Philippine National Police (PNP) at the Armed Forces of the Philippines (AFP) na umabot sa 1,794 ang isinukong armas mula Enero hanggang Oktubre ng taong ito.
Sa loob din ng naturang panahon, nakapagbibigay naman ng Housing Assistance ang National Housing Authority (NHA) sa 67 dating rebelde. | ulat ni Leo Sarne