Mahigpit na seguridad sa mga sementeryo sa Davao Region, mananatili sa kabila ng matumal na pagdating ng mga tao para sa Undas 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng kakaunting mga taong dumarating sa ilang sementeryo sa Davao Region, tiniyak ng Police Regional Office 11 (PRO 11) na mananatili ang mahigpit na seguridad na ipinatutupad ngayong Undas 2023.

Sa panayam ng Davao Media kay PRO 11 Regional Director Brig. Gen. Alden Delvo, sinabi nitong mananatili ang kapulisan sa mga sementeryo sa Davao Region para bantayan ang mga taong dumalaw sa kanilang mahal sa buhay.

Ayon kay Delvo, nasa lampas 4,000 na kapulisan ng PRO 11 ang magbabantay sa buong Davao hanggang Nobyembre 3, 2023.

Nanawagan naman ang opisyal sa publiko na sumunod sa mga patakaran at security protocol na ipinatutupad ng awtoridad lalo na ang pag-overnight sa loob ng sementeryo.

Ani Delvo, ipagbabawal na ang pagpapasok ng mga tao sa mga sementeryo ng alas-9:00 ng gabi at bibigyan naman ng hanggang alas-11:00 ng gabi ang mga nasa loob pa na makalabas.

Dagdag din ng opisyal na sa antisipasyong hindi lang ang sementeryo ang dadagsain ngayong Undas, mahigpit ding pinababantayan ang ibang areas of convergence gaya ng resorts, malls at iba pang maaaring puntahan ng mga pamilya. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us