Mas pinalakas na kampanya sa urban farming, itinutulak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na hinihikayat ng Bureau of Plant Industry at ng ilang grupo ang publiko na tangkilikin ang urban agriculture kabilang ang peri-urban at vertical farming.

Sa pandesal forum, sinabi ni BPI Director Glenn Panganiban na magandang hakbang ang urban farming para mapatatag ang food production sa bansa.

Ipinunto din ng opisyal na makatutulong ang urban farming dahil naghahatid ito ng sustainable food sources, sa gitna ng hamon ng climate change.

Sa kasalukuyan, iba’t ibang inisyatibo na aniya ang isinusulong ng pamahalaan hinggil dito gaya ng urban agriculture program sa Metro Manila.

Tumutulong din ang Go Negosyo para sa potensyal ng urban farming na maging agribusiness.

Ayon naman kay former DA Sec. William Dar, kailangan ang ‘whole of society approach’ para lumawak ang urban farming sa bansa.

Aniya, hindi dapat gobyerno lang ang tumutok dito kundi pati na ang bawat mamamayan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us