Mass Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na Punong Barangay, Sangguniang Barangay at SK Chairperson sa ikalawang distrito ng Albay, ginanap sa Celebration Plaza ng Embarcadero de Legazpi, Lungsod ng Legazpi. May tema ng okasyon na “Legacy of Serving, Unity in Purpose, Charting a Bright Future through the Mass Oath Taking Ceremony.”
Halos dalawang libong bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan Officials ang nanumpa sa posisyon. Ang mga ito ay mula sa lungsod ng Legazpi, mga bayan ng Camalig, Daraga, Manito, at Rapu-Rapu.
Si AKO Bicol Partylist Representative Elizaldy “Zaldy” S. Co House Chairman Appropriations Committee, ang isa sa nagpasumpa sa mga ito.
Binati ni Represenatative Co, ang mga nanumpa. Diin ng mambabatas, ang inyong panalo ay patunay na malaki ang tiwala sainyo ng mga Albayano. Kayo ang frontliners na maghahatid ng serbisyo sainyong barangay.
Kayo ang huhubog, gagabay at tutulong sa araw-araw na buhay ng inyong mga kabarangay. Sabi ni Co, “Let it be a reminder that as a public officials you are held to a higher standard than regular citizens the promises you have made before the law and your kababayan are not mere ceremonial but they are secret vows to uphold the principles of transparency, accountability, and honesty
Dumalo din sa okasyon si Mayor Adrian Salceda ng Bayan ng Polangui, bilang kinatawan ni Representative Joey Sarte Salceda, Atty Alfredo Garbin Jr., Executive Director ng AKB, dating mambabatas Christopher “Kito” Co, mga mayors ng apat na bayan, at ibang mga panauhin. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay