Umakyat sa 2,077 ang mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban.
Batay ito sa huling tala as of 11:59 PM kagabi, na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo.
Umabot naman sa 1,569 ang mga nakumpiskang armas sa patuloy na pagpapatupad ng gun ban, na pinairal kaugnay ng katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Habang 2,360 ang mga baril na dineposito sa PNP para pag-ingatan; at 1,707 naman ang isinuko.
Una nang ipinaalala ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na ang gun ban na sinimulang ipatutupad noong Agosto 28 ay patuloy na paiiralin sa buong bansa hanggang sa pagtatapos ng election period sa Nobyembre 29. | ulat ni Leo Sarne