Nasa 28 batang babae sa Home for Girls sa Barangay Pungtod, Cabatuan, Iloilo ang nabigyan ng regalo at almusal kasabay sa Balik Sigla, Bigay Saya ng Malacañang’s Nationwide Gift-Giving Day Program sa ilalim ng Office of the President.
Nakatanggap ang mga ito ng travel bag, maliit na unan, tuwalya at kumot.
Ayon kay Rea Valdellon, pinuno ng Home for Girls, ikinagalak ng mga batang babae na nasa pito hanggang 17 taong gulang ang gift-giving at nagpahayag ng pananabik at pasasalamat sa kanilang natanggap.
Aniya, ikalawang taon nang naging benepisyaryo ang Home for Girls sa Gift-Giving Day Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Bing Pabiona | RP1 Iloilo