Marami-rami na rin ang bumibisita sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pasig City Catholic Cemetery ngayong araw.
Mahigpit ang latag ng seguridad kung saan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga matatalas na bagay, nakalalasing na inumin, maging ang mga sigarilyo at vape.
Katunayan, hindi bababa sa 20 vape, isang lighter, at isang paleta ang nakumpiska at bawal din ang pagpapapasok sa mga alagang hayop.
May nakatalaga ring pasukan at labasan sa sementeryo para sa maayos na pagdaan ng mga tao at hindi magsiksikan sa mga entrada.
Paborable naman sa ilang bumisita ang lagay ng panahon dahil makulimlim na may kaunting pagsikat ng araw subalit hindi naman maulan.
Nananatili namang normal ang daloy ng trapiko sa paligid ng sementeryo at may nakakasa namang mga tent kung saan nakalagay ang public assistance center ng Philippine National Police (PNP), Boy Scouts of the Philippines, Bureau of Fire Protection (BFP), at Pasig LGU. | ulat ni Jaymark Dagala